Tuesday, March 6, 2012

Kaibigang Lobo



Kaibigang Lobo,
sa paglipad sa kalangitan,
huwag kalimutan
ang lupang pinagmulan.

Kaibigang Lobo,
sa iyong pakikipaglaro,
sa mapuputing ulap,
alalahaning sila'y kumukupas.

Kaibigang Lobo,
sa iyong paglipad,
maging mapagkumbaba,
at aminin na ika'y hindi Diyos.

Pagkat darating ang panahon
na ang baong hangin sa loob,
ay unti-unting ring mauubos
… at sa lupa’y bubulusok.

Kaya’t samantalahin ang panahon,
Huwag nang makipaglaro sa ulap,
hanapin ang Diyos na di nagbabago
na magdadala sa iyo sa langit na hinahanap.

- Pitik-Bulag

Ang Aking Kapatid at Kakambal



Ang taong may isip at puso,
May paggalang sa kalikasan.
Pagkat batid niya ang halaga
ng kalikasan sa kinabukasan.

Huwag mong alagaan ang kapaligiran,
Sarili mo ang iyong pinababayaan.

Sa karahasang dinadanas ng kagubatan,
Sarili mo ang iyong nilalapastangan.

Sa tuwing dinudumihan mo ang dagat,
Sarili mo ang iyong dinuduraan.

Sa tuwing nagbubuga ka ng usok,
Sarili mo ang iyong nilalason.

Dapat nating mabatid
na ang kalikasang pinababayaan,
ay kapatid at kakambal natin
na dapat mahalin at alagaan.

- Pitik-Bulag

Walang Sawang Pagtitiyaga ng Diyos



Ano po bang pinakamagandang tanda ng walang sawang pagtitiwaga ng Diyos sa atin? At sumagot ang guro, "Pinuputol ng gabi ang ating buong maghapon upang makapagpahinga at bigyan tayo ng bagong umaga. Tanda ng ang Diyos ay laging nagbibigay ng bagong lakas at bagong simula. Kaya't huwag ka ring magsasawa." - Pitik-Bulag