Monday, July 11, 2011

Alam Ko


Isang umaga,
Sa nakagawiang lugar…
Ang pagsikat ng araw
di ko nasilayan.

Subalit,
Alam kong naririyan Siya;
Nagkukubli lamang
sa likod ng malasutlang ulap.
Nagmamasid at sumisiip-silip
sa ulap na pinagtataguan,
Tila nanunukat ng aking pasensiya.

Kaya’t alam ko
Hindi Siya nawawala;
Alam ko ... anumang sandali
Siya’ y muling magpapakita!


- Wilfredo M. Samson,SJ

0 comments:

Post a Comment