Monday, July 18, 2011

Ang Nasisilip



Sa tuwing ako’y makakita
ng bulaklak sa parang,
Ang nasisilip ko’y … bintana ng langit.

Sa tuwing ako’y makakita
ng malasutlang ulap,
Ang nasisilip ko’y… bubong ng langit.

Sa tuwing ako’y makakita
ng luntiang kagubatan,
Ang nasisilip ko’y … haligi ng langit.

Sa tuwing ako’y makakita
ng bughaw na dagat,
Ang nasisilip ko’y … sahig ng langit.

Subalit…

Sa tuwing ako’y makakita
Ng taong marunong magmahal
Ang nasisilip ko … ang langit mismo!


- Fr.Willy M. Samson,SJ

0 comments:

Post a Comment