Wednesday, July 27, 2011
Ang Nawawalang Henerasyon
Ako’y bahagi ng nawawalang henerasyon
at ako’y tumatanggi na
Maari kong baguhin ang mundo
Alam kong magugulat kayo subalit
“Ang tunay na kaligayahan ay nanggagaling sa loob”
ay isang malaking kasinungalingan.
“Ang salapi ang magpapaligaya sa akin”
Tatlumpung taon mula ngayon, sasabihin ko sa aking mga anak
Ito ang pinakamahalagang bagay sa mundo
at alam ito ng aking kumpanya
Alam ko ang aking prioridad sa buhay,
Hanapbuhay
muna bago
Pamilya
Sinasabi ko sa inyo
Noong unang panahon
ang mga pamilya ay laging buo
subalit hindi ito totoo sa ating panahon
Ang lipunan ngayon ay wala ng pag-asa
Sinasabi ng mga dalubhasa sa akin
30-taon mula ngayon,ipagdiriwang ko ang 10-taon ng aking diborsyo.
Hindi ako sumasang-ayon na
Ako’y mabubuhay sa bayang aking gawa
Sa hinaharap
Ang paninira ng kalikasan ay isang normal na gawain na lamang
Hindi mo na maaring sabihin na
Tayo’y may malasakit sa mundong ito
Makikita ng lahat
na ang ating henerasyon ay tamad at walang pakialam
At isang malaking kamaliang sabihin
May pag-asa pa.
At ito’y magkakatotoo kung hindi natin babaligtarin ang paniniwalang ito.
Basahin mo nang pataas.
Anong Henerasyon ka kabilang?
- Malayang salin ni Fr.Willy Samson,SJ
mula sa tula ni Jonathan Reed, "The Lost Generation"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment