Monday, July 11, 2011
Ang Pabaon ni Itay
Noong kami’y bata pa,
Ang sabi ni itay,
“Mga anak
Ang panggastos natin
ay sapat lamang.
Kayat sa lalagyan
ng perang pinagpawisan,
maging tapat
at kumuha lamang
nang sapat.
Huwag matuksong
kumuha ng labis,
pagkat may kapatid kang,
sa baon kakapusin
at tiyak na gugutumin.
Napag-isip-isip namin…
Hindi namin ibig
may kapatid na gutumin
kaya’t ang pangungupit
di pumasok sa aming isip.
Sa bayang gipit sa yaman
at ipit sa kahirapan,
Ang pangungupit
sa kaban ng bayan,
ay pagkakait din ng makakain
sa nagugutom nating kapatid.
- Willy M. Samson,SJ
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment