Monday, July 11, 2011

Matamis na Pagkukunwari


O Diyos, sa di malirip na dahilan,
Ikaw na makapangyarihan,
Ang siya pang umaasa sa akin.
Anong meron ako upang sumandig sa akin?

Ganun pa man, malalim na kagalakan ang idinulot,
nang pagtitiwalang ipinagkaloob mo;
Na nagbibigay ispirasyon at hamon
na iwasto ang aking pagkatao.

Kung wagas na katotohanan man,
ang pangangailangang umasa sa akin,
Sa likod ng aking kahinaan at kakulangan,
Dalangin ko, nawa’y huwag kitang paluhain.

Kaya’t sige, Panginoon, sumandig sa aking bisig,
Ipagpatuloy ang pagkukunwaring kailangan mo ako;
At nawa, sa iyong pagkukunwari na ubod ng tamis,
Maging karapat-dapat ako, sa tiwalang ipinagkaloob sa akin.


- Willy M. Samson,SJ

(Malayang salin sa dasal na "May I Be Worthy of Your Trust"
Ni Daniel A. Lord,SJ)

0 comments:

Post a Comment