Monday, July 11, 2011

Pasalubong


Mapatid man ang litid sa pagbibitbit,
Magkalyo man ang paa sa paghahanap,
Mabutas man ang bulsa sa presyo ng bilihin,
Likas na sa atin ang magdala ng pasalubong.

Ngunit bakit di natin magawa,
Mag-uwi ng pasalubong
Mula sa ating pagsisimba?

Bakit walang tayong gana,
Na magbitbit ng Mabuting Balita
Mula sa ating pagnanampalataya?

Ang kakaning pasalubong,
Napapanis o nauubos;
Ang makalangit na kwento,
Sa puso di nalalaos.

- Willy m. Samson,SJ

0 comments:

Post a Comment