Tuesday, March 27, 2012

Basura ng Kapit-Bahay



Bakit po ba ako naiinis sa mga maling sinasabi ng kapwa tungkol sa akin? Dapat ko ba silang patulan? At sumagot ang guro, “Isang katangahan na ipasok sa bahay ang basurang itinapon ng kapitbahay sa pintuan mo. Ang paninirang-puri ay basura ng kanilang puso na itinapon sa iyo. Hindi mo ito basura kaya’t hindi dapat tanggapin at seryosohin. Huwag maging tanga. Huwag mo na lamang pansinin, alam mo naman na kasinungalingan lamang ang paratang sa iyo. Huwag mong patulan ang mga taong naghahanap lamang ng away o may malalim na inggit sa iyo. Huwag mong sayangin ang oras mo sa mga taong alam mo namang walang malasakit sa iyo. Kung matalino ka, hindi ka papasok sa mundo ng mga taong basagulero at asar sa mundo. Inis sila buhay nila kaya't naghahanap sila ng kadamay.”

- Pitik-Bulag

No comments:

Post a Comment