Sunday, March 18, 2012

Huwag Masilaw at Mabulag



Huwag malunod
sa palakpak ng tagumpay,
sapagkat ito’y lumilipas
at di nagtatatagal.
Bagkus, ang hanapin,
palakpak ng kalangitan.

Huwag masilaw
sa ningning ng medalya,
sapagkat ang kinang ng ginto
ay kumukupas lamang.
Bagkus, ang hanapin,
ningning ng kalangitan.

Huwag mabulag
sa pag-iipon ng tropeo,
sapagkat sa paglipas ng panahon,
Alikabok lamang ang makikinabang nito.
Bagkus, ang pag-ipunan,
Yamang makalangit.

Buksan ang mata …
Huwag pasilaw at pabulag
sa kinang ng katanyagan at kayamanan;
Sapagkat ang lahat ay damit lamang,
na huhubarin mo
sa paglubog ng araw.

- Pitik-Bulag

No comments:

Post a Comment