Sunday, March 4, 2012
Panalangin sa Umaga at Gabi
Bakit po mahalaga ang panalangin bago matulog? At sumagot ang guro, "Ang panalangin sa gabi ay pagbabalik-tanaw sa karanasan ng buong-araw. Sa pananahimik nakikita natin ang galaw ng Diyos sa mga simpleng gawain. At kapag nakita mo ang Diyos sa mga gawaing ito, di-malirip ng kapayapaan ang iyong madarama. Ang panalangin sa gabi ay tulad ng pagpiga ng gata sa niyog na pinaghirapan mong kudkurin ng buong araw. Ang gata ng iyong mga pinagpaguran ang magbibigay sa iyo ng ngiti sa pagtulog at lakas sa kinabukasan." - Pitik-Bulag
Ano pong magandang panalangin sa umaga? At sumagot ang guro, "Nawa'y matularan ko ang mga bulaklak." Bakit po? "Ang bulaklak ay bintana ng langit. Nasisilip at naaamoy ang ganda't bango ng langit sa mga bulaklak. Nawa'y makita at maamoy din ng ating kapwa ang ganda't bango ng Diyos sa buhay natin." - Pitik-bulag
No comments:
Post a Comment