SA MGA NAGPAPAGALING NG SUGAT
Kung mahapdi na ang mata sa pag-iyak,
baka panahon na upang pahirin ang luha;
pagkat hindi rin maganda at hindi tama,
na malunod ka sa sarili mong luha.
Kung mahapdi na ang mata sa pag-iyak,
at masakit na ulo sa maghapong pagluha,
baka panahon na upang simulang pulutin,
mga pira-pirasong sarili na binasag ng iba.
Kung mahapdi na ang mga mata,
mabuting itigil na ang pagluha.
At baka sa sobrang pagluha,
ang pait ng kahapon na lamang
ang tangi mong maalala…
at hindi mo na malasahan
ang dala-dalang tamis
ng ngayon at bukas.
- Pitik-Bulag
No comments:
Post a Comment