Sunday, April 15, 2012
Sarap at Hirap
Kung ang trabaho’y puro sarap
at walang kahirap-hirap,
Wala nang pananabik
sa Biernes na paparating.
Kung ang pagkai’y laging lechon
at walang galunggong at tuyo,
Wala nang pananabik na kumain
sa anumang handaan at kaarawan.
Kung ang pamilya’y laging magkasama
at walang magulang na nag-OFW,
Wala nang pananabik na magkita
at dala’y ginhawa para sa pamilya.
Kung ang buhay ay puro ginhawa
at walang pagtitiis at pagdurusa,
Wala nang pananabik na magtagumpay
sa anumang pagsubok sa buhay.
Kaya’t harapin ng may ngiti ang Lunes,
at hanapin ang biyaya ng bawat sandali.
Pagkat ang nagbibigay kulay sa buhay,
ay ang pinaghalong hirap at ginhawa;
Pagkat, kung walang hirap, walang sarap;
Kung walang tiyaga, walang nilaga;
Kung walang pagtitipid, walang labis;
Kung walang pangamba, walang pagtataya.
At kung walang pagkamatay,
Wala ring muling-pagkabuhay.
- Pitik-Bulag
No comments:
Post a Comment