Tuesday, May 15, 2012
Alay kay Inay
Hihintayin ko pa bang mag-mothers day,
Bago ko siya pasalamatan sa pagiging ina?
Hihintayin ko pa bang ako’y lumaki,
Bago ko siya pasalamatan at pagsilbihan?
Hihintayin ko pa bang siya’y lumuha,
Bago ko madama ang tiisin niyang dala?
Hihintayin ko pa bang siya’y magkasakit,
Bago ko siya paglaanan ng aking malasakit?
Hihintayin ko pa bang siya’y tumanda,
Bago ko siya bigyan ng magandang alaala?
Hihintayin ko pa bang ako’y maging ina,
Bago ko siya unawain at patawarin?
Hihintayin ko pa bang siya’y mawala,
Bago ko makita ang kanyang halaga?
Kung batid lamang natin
ang lahat ng hirap ng isang ina,
Alam natin hindi sapat ang isang tula
Upang siya’y pasalamatan at parangalan.
- Pitik-Bulag
No comments:
Post a Comment