Hindi ko maunawaan ang aking sarili,
Na minsa’y hindi mulat sa maling ugali.
Ang mga masamang ugali na dapat itapon,
Ang aking iniingatan at tila pinagyayaman.
Ang mga mabuting ugali na dapat pagyamanin,
Ang laging kong kinalilimutan at tila itinatapon.
Nawa’y matuto akong mag-impok ng mabuting asal
At matutong magtapon ng aking mga ugaling baluktot.
- Pitik-Bulag
No comments:
Post a Comment