Sunday, May 20, 2012

Paglipad sa Kalangitan

Kung ang buong araw natin ay puro sarap at walang hirap, Walang pananabik magpahinga At matulog sa gabi nang mahimbing. Kung ang pagkain mo’y laging lechon at walang galunggong, tuyo at dahon, Wala nang pananabik na kumain pa sa anumang handaan at kainan. Kung ang buhay ay puro ginhawa at walang pagtitiis at pagdurusa, Wala nang pananabik na magtagumpay sa anumang pagsubok sa buhay. Kaya’t harapin ng may tatag ang bawat araw, at hanapin ang biyaya ng bawat gawain. Pagkat ang nagbibigay kulay sa buhay, ay ang pinaghalong hirap at ginhawa; Kung walang hirap, walang sarap; Kung walang tiyaga, walang nilaga; Kung walang pagtitipid, walang labis; Kung walang pangamba, walang pagtataya. Pagkat kung walang pagkamatay, Walang muling-pagkabuhay At kung walang muling-pagkabuhay Walang ring pag-akyat sa kalangitan. - Pitik-Bulag

1 comment: