Tuesday, May 15, 2012

Tukso sa Bayang Umuunlad

Ano po ba ang tukso sa isang bayang umuunlad? At sumagot ang guro, “Unti-unting naglalaho ang mga tanda ng kandahang-asal, tulad ng pagmamano, paggamit ng “opo”, pagdarasal bago kumain, pagsisimba ng buong pamilya, at ang pagmamahal sa matatanda. Ang pagkalimot sa mga bagay na ito ay pagkalimot sa sariling kultura at kaluluwa. Hubad sa mata ng Maykapal ang isang bayan na sagana sa lahat, subalit salat sa kagandahang-asal. – Pitik-Bulag

No comments:

Post a Comment