Tuesday, January 11, 2011

Isang Panghimagas Pagkatapos ng Pasko



Tapos na ang Pasko.
Iniwa’y alaala ng isang Diyos
Na lumundag mula langit,
Upang tayo’y yakapin.

Ngunit tapos na nga ba ang Pasko?
Ngayon, hinahamon ako ng Diyos
Na lumundag din mula sa aking langit,
Upang abutin ang mga salat sa pag-ibig.

Tapos na ang Pasko.
Ibinigay na Niya ang kanyang Anak.
Ano naman ang ang maibibigay ko
sa Kanya?

Tapos na nga ba ang Pasko?

Sa mga taong marunong lumundag
sa tawag ng pagmamahal …
Hindi natatapos ang Pasko.

- Willy Samson,SJ
Enero 11, 2011


No comments:

Post a Comment