
Sa mga nalulungkot diyan ...
Huwag nang maghintay sa pagtila ng ulan.
Gayahin mo si Totoy at Nene ...
Marunong magtampisaw sa ulan.
Ang kahulugan ng buhay ay wala sa patutunguhan,
nasa paglalakbay.
Wala sa pagtila ng ulan,
nasa pagsasayaw sa ulan.
Wala sa pagkain ng masarap,
nasa pagpapawis ng katawan.
Wala sa sariling tagumpay at katanyagan,
kundi nasa pag-akay ng mga nalulumbay.
- Willy M. Samson,SJ
Enero 12, 2011

No comments:
Post a Comment