Thursday, January 13, 2011

Hindi na Tayo Simple



Bakit kailangan ko pang lumayo
Upang makakita ng kagandahan?

Si Mang Kiko nga, makapaligo lang sa Cawa-cawa,
pasyal na ang tawag niya.
Si Nene at Juan, sa kape’t pandesal,
Nakangiti at kuntento na.
Si Lola Inso, makaupo lang sa tabing dagat,
Di niya pansin gulo ng kapaligiran.

Tayo madalas,
Kailangan pang mag-Boracay, upang masabing namasyal.
Kailangan pang nasa malamig ng restaurant,
upang magpasalamat sa Maykapal.
Ang katahimikan atin nang kinatatakutan.
Ang mumunting kahirapan sa lugar
o pagkukulang nang kaharap,
Madali na tayong mainis at maasar.

Hindi na tayo simple.
Kumplikado na tayo.
Kakayahang lumigaya sa simpleng bagay,
Tuluyan nang naglaho.

No comments:

Post a Comment