Saturday, January 15, 2011

Langit nga ba ang Langit?



Langit nga ba ang yaman,
Kung ito nama’y galing sa nakaw?

Langit nga ba ang magwagi
Kung ang pandaraya ay bahagi?

Langit nga ba ang tagumpay
Kung ang lahat ay ating tinapakan?

Langit nga ba ang linamnam ng pagkain,
Kung ang sikumura ng iba’y kumakalam?

Langit nga bang tumira sa malaking bahay
Kung ang sigawan at away ang almusal?

Langit nga ba ang pangingibang-bayan
Kung ang bayang pinanggalinga’y kinalimutan?

Langit nga ba ang langit?
Kung nag-iisa at walang kapiling?

- willy samson,sj
Enero 15, 2011

No comments:

Post a Comment