Buntung-hininga
na naman ba
ang iyong umaga?
Buksan mo
ang iyong mga mata.
Pahirin na
ang iyong luha.
Bumangon na
at kurutin ang sarili,
upang mahimasmasan
sa katotohanang
ipinagkakait
sa sarili -
Na ang bagong umaga
ay hinog at puspos
ng bagong pag-asa.
No comments:
Post a Comment