Salimbayan lang ang buhay,
Kaya’t laging nagtatagis
Ang liwanag at dilim,
Init at lamig,
Tagumpay-pagkalupig,
Kahinaa’t lakas,
Pag-asa’t kawalan,
At biyaya’t kasalanan.
Huwag kalabanin,
Huwag salungatin,
Bagkus
maging panatag at tapat.
Hanapin yaring himig-salimbayan,
At subukang sayawan.
Makikita mo,
Yaring salimbayan
Na di maunawaan,
Ang siyang saliw at galaw
Ng makulay
At makahulugang buhay.
- Willy M. Samson,SJ
No comments:
Post a Comment