Friday, January 21, 2011

Panahon ng Tag-ulan


Panahon ng tag-ulan ngayon,
Maraming katotong luhaan,
Maraming naghahanap ng kahulugan.

Panahon ng tag-ulan ngayon,
Maraming luhaan ang nagkukubli,
Sa malakas na patak ng ulan.

Panahon ng tag-ulan ngayon,
Subukang lumangoy at lumutang,
Pasasaan ba’t titila rin yan.

Panahon ng tag-ulan ngayon,
Sige kaibigan,
lumuha ka,
sabayan ang ulan
lumutang
kumampay
magpakatatag
lumaban
at languyin ang
kawalang-katiyakan.

Panahon ng tag-ulan ngayon.
Ang malunod
ay mahigpit
na ipinagbabawal.

- Willy Samson,SJ

No comments:

Post a Comment