Sa nakararami sa atin,
tahimik at di kapansin-pansin
ang paglipas ng panahon.
Maaring hindi tayo maparangalan
ng banda, musika at parada,
O gawan nang isang monumento.
Ngunit hindi pa rin mawawala
ang ating pagnanasa
na magdulot ng pagbabago
sa mundong tuliro.
Maraming naghihintay ng ating pagdamay,
Maraming naghahanap ng karamay.
At magkalakas-loob at magkabuhay.
Subalit
malimit nating minamaliit,
ang kapangyarihan ng isang tapik,
nang isang ngiti at pakikinig,
pagbibigay puri at pagbati,
... mga simple subalit malalim
na tanda ng pag-ibig.
Nakalululang isipin
ang di-mabilang na sandali,
Upang ating maipabatid
taglay nating pag-ibig.
(Isang malayang salin ni Willy Samson,SJ
mula sa tula ni Leo Buscallia)
No comments:
Post a Comment