O Panginoon,
Liwanagan ang aking puso,
Na sa tuwing ako’y dudulog sa iyo,
Nawa’y maluwag kong yakapin ang kalooban mo.
Pagkat ang loob mo na minsa’y di matanto,
Ang tanging magdudulot ng kaligayahan ko.
Alam mo ang dapat,
Dapat alam ko ito.
- Willy M. Samson,SJ
No comments:
Post a Comment