Kapag nakikita ko si bunso,
Nawawala ang pagod ko.
Kapag nakikita ko si bunso,
Nawawala ang hinanakit ko.
Kapag nakikita ko si bunso,
Nawawala ang galit ko.
Kapag nakikita ko si bunso.
Nawawala ang pagkamakasarili ko
Kapag
nakikita ko
si bunso…
Nawawala
Ang
Tukso
Kong
Sumuko.
- Fr.Willy M. Samson,SJ
Alay sa mga guro at staff ng Ateneo de Zamboanga University
sa Kapistahan ni San Ignacio de Loyola
No comments:
Post a Comment