Thursday, March 1, 2012
Ang Disipulo at Guro 3
“Sana wala ng problema ang tao.” Sumagot ang guro, “May mga bagay na di mo na mababago, tulad ng init ng araw. Huwag mong ubusin ang lakas mo na baguhin ang araw. Mabibigo ka lamang. Bakit di mo na lamang pag-isipang humanap ng paraan upang di ka masunog ng init ng araw? Kaya nga may payong at may lilim ng puno. Pumanatag ka. Pasasaan ba’t darating din ang paglubog ng araw.” - Pitik-Bulag
“Maari bang magsabay ang saya at pagkabagabag?” Sumagot ang guro, “Oo, isang tunay na ligaya ang manuod ng anak na tumanggap ng diploma; at pagsasabi sa sarili, “Huwag sanang sayangin ng aking anak ang dalawangpung-taon kong paglalaba at pamamalantsa.” - Pitik-Bulag
"Kaawa-awa naman ang mga bulag." At sumagot ang guro, "Mas kaawa-awa ang taong gumising sa umaga at di niya nakita ang biyaya ng bagong-araw. Subalit ang taong nabubuhay sa inggit at galit, mananatiling bulag magpakailan-man." - Pitik-Bulag
No comments:
Post a Comment