Thursday, March 1, 2012
Ang Disipulo at Guro 2
“Anong aral ang mapupulot natin sa mabagal na pagong?” Sumagot ang guro, “Ang Diyos ang ating tahanan na kinasasabikan nating uwian. Nawa’y matuto tayo sa pagong, sapagkat anumang panahon at lugar, dala-dala niya ang kanyang tahanan.”
- Pitik-Bulag
Sa langit po ba pantay-pantay ang lahat? Sumagot ang guro, "Oo, pagmasdan mo ang larong chess, pagkatapos ng laro, ang lahat ... maging ito man ay hari, reyna o pawn... ang lahat ng piyesa ay babalik lamang sa iisang lalagyan. Isang babala sa mga nasa kapangyarihan." –Pitik-Bulag
“Bingi ba ang Diyos? Bakit di niya sinasagot ang aking dasal?” At nagsalita ang guro, “Hindi bingi ang Maykapal. Tumutugon siya sa bawat panalangin. Nasa atin ang pagkukulang. Nagbibingi-bingihan tayo kung hindi natin nais ang kanyang sagot. At sabay sumbat na wala siyang malasakit.” - Pitik-Bulag
No comments:
Post a Comment