Thursday, March 1, 2012

Ang Guro at Disipulo



Isang araw na makulimlim, nagtanong ang discipulo sa guro, "Sana naman laging may araw para hindi ako nalulungkot." At sumagot ang guro, "Hanapin mo ang tunay na Araw sa puso mo, at makikita mo na kahit sa kadiliman ay may liwanag." -Pitik-Bulag




“Bakit ba ginawa ng Diyos ang ipis, daga, at langgam?” Sumagot ang guro, “Alam ng Diyos na mapagtira at mapagtapon ang tao, kaya’t ginawa niya ipis, langgam at daga upang himurin ang mga mumo at tirang pagkain. Sa mata ng Diyos, mga mumo’t tirang pagkain ay biyaya pa rin na di dapat sayangin.” -Pitik-Bulag




At nagtanong ang disipulo sa guro,"Bakit ganon? Kung kailan ako napalapit sa Diyos, doon pa dumami ang aking pagsubok? Ganun ba magmahal ang Diyos? Sumagot ang guro, "Alam ng Diyos na magkakaroon ka ng maraming pagsubok, kaya't gumawa siya ng paraan na mapalapit ka sa Kanya, upang magabayan ka Niya." -Pitik-Bulag

No comments:

Post a Comment