Hindi naman ata tama at makatarungan,
na ang pinagsamahan ng maraming taon,
ay mabubura lamang ng isang pagkakasala.
Magpalipas muna ng sama ng loob,
huminga ng hangin ng kahinahunan,
hanggang ang galit ay di na naglalagablab.
At kung humupa na ang apoy ng puso,
balikan ang kaibigan at muling mag-usap,
sapagkat may milagrong naghihintay
sa sinumang mahinahong nag-uusap.
- Pitik-Bulag
No comments:
Post a Comment