Paano ba maghanap ng bakanteng silya sa sinehan? At sumagot ang guro, “Sa pagpasok mo sa sinehan, huwag matakot sa dilim. Tumayo ka lamang at maging mahinahon. At magugulat ka, unti-unti mong makikita ang mga bakanteng silya. Isang paalala ito sa mga nasa dilim, maging mahinahon din. Subukang kaibiganin ang dilim, huwag kalabanin. At magugulat ka, unti-unti mong makikita na naroon din pala ang Diyos sa dilim. Matagal na Siyang naroroon at sinasamahan ka, subalit hindi mo napapansin; sapagkat hindi ka pa marunong kaibiganin ang dilim.” - Pitik-Bulag
No comments:
Post a Comment