Thursday, March 15, 2012

Pagtulog ng Mahimbing



Hindi ba’t parang mali,
na ang gumawa ng pagkakamali,
ang himbing na himbing sa gabi?
At ikaw na sinaktan at kinanti,
ang siyang walang tulog sa gabi?

Ngunit, huwag mainis o magalit,
ang pagpapatawad na hinihingi,
ay di pagpapalampas sa maling gawi,
ng kapwang nagdulot ng hapdi,
kundi pagsasa-ayos ng sariling nawaglit.

Upang sa pagbabalik ng tino ng isip,
ay magkaroon ng tibay ng damdamin,
at tapang na harapin at ayusin
ang maling gawi na dapat ituwid
upang ang katarungan mong minimithi…

ay lubusang makamit!

- Pitik-Bulag

No comments:

Post a Comment