Thursday, March 15, 2012

Ang Pang-gagatong ng Galit



Paano ko matutulungan ang isang inabuso, niloko, o sinaktan? At sumagot ang guro, “Huwag mong gatungan ang kanyang galit at hinanakit. Ang sariwang sugat ng kaibigan, huwag nang budburan pa ng asin. Bagkus, tulungang pawiin ang sakit, hinagpis at ngitngit ng kaibigang hinagupit ng lupit. Walang nagwawagi sa paghihiganti. Sapagkat ang minimithing kapayapaan ng isip ay hindi makakamit ng taong siksik sa galit.”

- Pitik-Bulag

No comments:

Post a Comment