Friday, March 23, 2012

Paunawa at Kahilingan ng isang Nagpatawad



PAUNAWA AT KAHILINGAN NG ISANG NAGPATAWAD:

Huwag mong madaliing mawala sa aking isip ang nakaraan.
Hindi mabilis hilumin ang malalim na sugat.
Hayaan mo lamang akong maglabas ng kirot ng puso.

Bigyan mo ako ng panahon na pagalingin ang aking puso.
Unawain mo na kailangan kong hilumin pa ang aking puso.
Kaya’t huwag mainis, kung minsa’y bumabalik ang nakaraan.

Pinatawad na kita at magaan na ang kalooban mo,
Ngunit h’wag mong madaliin na maibalik ko agad ang dati.
Hayaan mo muna akong mag-isa at umiyak pa kung nais ko.

Unawa at pasensiya ang aking hiling,
Kaya’t huwag mainip at magalit,
Pasasaan ba’t ako’y gagaling rin.

– Pitik-Bulag

No comments:

Post a Comment