Ang mabuting salita ay bumubuhay ng kapwa,
Ang matabil na dila ay nagdudulot ng luha;
Kaya't hwag mataka kung sa langit ay walang dalahira.
- Pitik-Bulag
Ang anumang bagay na pinagpawisan at pinaghirapan,
Punung-puno lagi ng sarap at ginto ang katulad;
Ang anumang bagay na dinaan sa dahas at pagmamadali,
ay masahol pa sa pagkain ng hilaw na sinaing.
- Pitik-Bulag
Ano po bang ibig sabihin ng pananampalataya? Sumagot ang guro, "Ito'y nahahati sa dalawang kataga ... nanam at pala-taya. Matutong namnamin ang Salita ng Diyos araw-araw ... at matututo kang maging palataya. Sa lotto may talo, sa Diyos laging panalo. - Pitik-Bulag
No comments:
Post a Comment