Thursday, March 1, 2012

Kwentong Paraiso sa Araw ng Abo



May dadaig pa ba sa pag-ibig ng Ama
na binihisan at binasbasan
ang kanyang mga anak na hubad,
na nagkasala't binulag ng kasalanan
bago pikit-matang pinalisan sa paraiso?

At umaasa na isang araw...
sa kanilang pagbubungkal
ng lupang kanyang pinagmulan
at pag-aaruga ng sariling anak,
mamulat sa katotohanang
sa lupa nanggaling,
sa lupa rin babalik ...
at ang Ama lamang
ang tanging kailangan.

Ang Ama na umaasa
na isang araw,
ang mga anak ...
na minahal at inaruga
ay babalik
upang muling
makapiling.

- Pitik-Bulag
(Genesis 3:21)

No comments:

Post a Comment