Thursday, March 1, 2012

Coloring Book, Tapik at Kaibigan


Maihahalintulad sa isang coloring book ang buhay. Tayo ang nagkukulay ng ating buhay. Huwag sisihin ang Diyos kung mapanglaw ka ngayon. Sisihin ang sarili na may layang magpasya sa kulay ng iyong umaga. Manahimik. Hanapin ang bahagharing ipinunla ng Diyos sa puso mo. At malalaman mo ang mga kulay na magpapatingkad sa bawat pahina ng buhay mo. – Pitik-Bulag




Hindi natin napapansin ang kapangyarihan ng isang ngiti, isang magandang salita o papuri, isang minutong pakikinig, o anumang simpleng pagpapakita ng kabutihan. Batid mo ba na ito'y tapik ng langit sa mga kapatid nating pagod na sa buhay? At kadalasan, sapat na ito upang sila'y muling maniwala na maganda ang buhay.
- Pitik-Bulag




Sa panahon ng kagipitan at kadiliman,
ang halaga ng kaibigan ay di kayang pantayan
ng anumang kayamanan at kapangyarihan.
- Pitik-Bulag

No comments:

Post a Comment