Thursday, March 1, 2012

Ang Disipulo at Guro 5



"Guro, ano po bang nararapat gawin upang hindi mapagod sa araw-araw na paulit-ulit na gawain? Sumagot ang guro, "Alamin mo kung sinong nakikinabang sa mga pinagpawisan mo ... at mawawala ang pagod mo." - Pitik-Bulag




"Takot ako sa multo. Ano po bang agimat na panlaban sa multo?" Sumagot ang guro, "Ang agimat ng liwanag. Walang multo kung maliwanag ang iyong kaisipan. Sapagkat sa kadiliman ng ating isip lamang humuhugot ng lakas ang multong ating kinatatakutan." - Pitik-Bulag




"Guro, ano po ba ang pagkaka-pareho at pagkaka-iba ng mga bilanggo sa mga taong nasa laya?" Sumagot ang guro, "Ang mga bilanggo ay nasa likod ng rehas na bakal. Ang mga taong malaya ay bilanggo rin, sila'y nasa bilangguang walang rehas. Bilanggo sila ng kanilang galit, inggit, pagkamakasarili, hilig ng laman, kasakiman, kalungkutan, at kawalan ng pag-asa. Sa bilangguang walang rehas, pagbabalik-loob sa Diyos ang tanging kaligtasan." - Pitik-Bulag

No comments:

Post a Comment