Monday, April 2, 2012

Ang Pag-aaral



Bakit po ba mahalaga ang pag-aaral? At sumagot ang guro, “Ang naka-paa, hindi naka-aalis ng bahay. Ang naka-tsinelas nakararating ng palengke. Subalit ang naka-sapatos, nakararating kahit saan. Ang pag-aaral ay parang tsinelas o sapatos, ang layo ng mararating mo sa buhay ay depende sa kung anong suot-suot mo. Kung sa tingin mo na magastos, mahirap, at hindi mahalaga ang edukasyon, subukan mong magsuot ng kamang-mangan. Subalit, huwag magtaka kung wala kang mararating sa buhay.” - Pitik-Bulag

No comments:

Post a Comment