O Hesus, ang aking dalangin,
Sana matuto kong iwagayway
Ang aking palaspas ng pagsamba,
Hindi lamang sa panahon ng kasiyahan
Kundi sa panahon rin ng pagsubok.
Minsan, nalulungkot ako,
pagkat ang palaspas na pumuri sa iyo,
Ang siya ring palaspas
Na Ihahampas ko sa iyo,
Sa panahon ng aking kapighatian.
– Pitik-Bulag
No comments:
Post a Comment