Bakit po ba mahalaga ang pagtitipid sa lahat ng bagay? At sumagot ang guro, “Mahalaga ang pagtitipid sa lahat ng bagay. Subalit mas mahalagang tingnan ang pang-aabuso natin sa biyaya ng Maykapal. Ang likas na yaman na ipinagkakaloob sa atin ay liglig at umaapaw, subalit bakit nagiging kapos? Baka mas mabuting huwag magsayang, magdamot o maging gahaman sa biyaya ng Maykapal; at makikita nating sapat ang lahat, kaya’t hindi kailangang magtipid dahil sa kakapusan. Hindi ito isyu ng kakulangan kundi nang maling paggamit sa likas na yaman. ”
- Pitik-Bulag
No comments:
Post a Comment