Pakikinig sa kaibigan
Na matagal ng nalulumbay
At naghahanap ng karamay,
Huwag nang palipasin pa.
Pagmamasyal sa magulang
Na matagal nang naghihintay
Ng pagdalaw ng mahal anak,
Huwag nang ipagpaliban pa.
Pakikinig sa mga kwentong bata
Ng iyong anak na sabik sa iyo,
Huwag nang ipagpalit ang pamilya
Sa gawaing nakabinbin sa opisina.
Pagsubo’y gawing mabagal
Upang pagkai’y malasahan
At di lamang dumiretso sa tiyan,
Huwag nang magmadali sa pagkain.
Dalangin ko,
Huwag tayong magtapon
Ng mga ginintuang pagkakataon,
Na hindi na maibabalik sa paglipas ng panahon.
- Pitik-Bulag
No comments:
Post a Comment