Bugbog na ako sa problema. Maari bang manalangin sa Diyos na sana wala ng problema? At sumagot ang guro, “Magandang panalangin rin iyan, subalit mabibigo ka rin. Bakit hindi mo na lang harapin ito ng may maganda't positibong disposisyon? Kadalasan, ang kabigatan o kagaanan ng isang suliranin ay nasa disposisyon lamang. Huwag takbuhan ang suliranin, alam nito kung saan ka susundan, kaya’t makabubuting pag-aralan na lamang ang sining ng tamang disposisyon sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Manalangin ka kasi. May solusyon ang lahat, kaya’t huwag mabagabag.”
- Pitik-Bulag
No comments:
Post a Comment