Tuesday, May 15, 2012

Himig-Dahon

Nang umihip ang hangin, nasambit sa sarili na panahon na… Kaya’t pumikit at sa isang pitik … Sanga’y binitiwan… sa ihip ng hangin nagpa-ubaya patungong mundong ibabaw. Baon mo’y mabuting alaala ng pakikipag-kalikasan sa araw, bituin, buwan, hangin, ibon, at kulisap. Batid mo na milyong dahong ang katulad mo, Ngunit batid mo rin na kilala ka ng Kalikasan sa natatanging paraan. Kaya’t ikaw at ang Diyos lamang ang naka-aalam ng natatanging ugnayang namagitan sa iyo at sa kalikasang minahal at pinagsilbihan ng buong katapatan. Alam mo na sulit ang lahat ng iyong pinagpaguran, ipinaglaban at iniyakan. Sulit na sulit lamang ang lahat. – Pitik-Bulag (Himig-Dahon)

No comments:

Post a Comment