Wednesday, January 19, 2011

Kiliti


Minsan,
Kapag nainis ako sa Diyos,
Di ko maiwasang magtampo.

Di ko lamang ipinakikita,
pagmamaktol ng aking kalooban.

Subalit,
Alam Niya ang aking damdamin.
Alam Niya kung paano ako susuyuin.

Nakakainis,
Alam Niya ang aking kiliti.

At lalong nakakainis,
na masaya ako,
at gusto ko,
na alam Niya
ang aking kiliti!

- Wilfredo M. Samson,SJ

No comments:

Post a Comment