Thursday, September 22, 2011

Lobo


Noong bata pa ako,
mahilig akong bumili ng lobo
upang pakawalan lamang sa kalawakan.

Gustong-gusto kong manood
ng lobong umaakyat sa langit.

Ngayong may idad na ako,
Hindi binago ng Diyos ang hilig ko.

Hanggang ngayon,
Kinikilig pa rin akong manood
ng anumang nalalapit sa langit.

Pero hindi na lobo,
kundi tao,
na napapalapit
sa Diyos.


- Willy M. Samson,SJ

No comments:

Post a Comment