Thursday, September 22, 2011

Sayang


Sa pagpatak ng ulan
na nagdulot luntian
sa lupang tigang,
hinamon ng tadhana
butil ay lumabas.

Subalit sa dilim na kinalalagyan
takot ang namayani,
kung kaya't ang hamon ng panahon
tungo sa pagbabago at paglago
ay nilusaw lamang sa kawalan.

Sayang ...
pagkat ang panahong lumipas na,
di na maibabalik pa.


- Willy M. Samson,SJ

No comments:

Post a Comment