Wednesday, September 28, 2011

Ulan at Araw


Sa pagputok ng araw
at pagbuhos ng ulan,
kamay ng Maykapal
kumilos na naman.

Tila nagsasabi...
na pumanatag at magpakatalas,
harapin ang hamon ng buhay
na tagisan ng luha at liwanag.

Pumanatag at magpakatatag,
huwag mainip o manghinawa,
matatapos din ang ulan
at mananaig ang araw.

At huwag mabigla
Sa paglabas ng bahaghari.

- Willy Samson,SJ
Ulan at Araw

No comments:

Post a Comment