Thursday, December 1, 2011

Ang Panalangin ni San Andres


Buksan mo ang aking puso …
at liwanagan mo ang aking kadiliman

Buksan mo ang aking puso …
at magbigay tapang sa aking kaduwagan

Buksan mo ang aking puso …
at magbigay ng ngiti sa aking pusong sawi

Buksan mo ang aking puso …
at magdala ng hinahon sa aking pusong tuliro

Buksan mo ang akng puso …
at magdala ng galak sa aking kapighatian

Buksan mo ang aking puso …
at magbigay lakas sa aking kahinahaan

Buksan mo ang aking puso …
at magbigay ng karunungan sa gitna ng aking katanungan

Buksan mo ang aking puso …
at magdala ng ng pagtatawad sa aking pagkukulang

Buksan mo ang aking puso …
at magdala ng kagalingan sa aking pusong manhid at sugatan

Buksan mo ang aking puso …
at magsabog ng pag-ibig sa puso kong hitik na sa galit

At higit sa lahat …
Buksan mo ang aking puso …
upang matanggap ko
ng buong-buo
ang Sarili mo.

Pagkat batid ko,
Inaamin ko …
At tinatanggap ko …
na ang pagbabago sa buhay ko
ay magaganap lamang sa pagsuko
Ng aking buhay sa iyo.


Ang Panalangin ni San Andres
- Isang malayang salin ni Fr.Willy Samson,SJ
sa tula ni Howard Thurman

No comments:

Post a Comment