Sa paglaki ko,
ibibili ko ng kotse
ang tatay ko.
Sa paglaki ko,
isasakay ko ng eroplano
ang nanay ko.
Sa paglaki ko,
pag-aaralin ko sa Ateneo
ang bunsong kapatid ko.
Subalit
sa paglaki ko,
isa lamang ang takot ko…
Na ang mga pinangarap ko,
ay malusaw at maglaho lamang
sa kahirapang pasan ng aking bayan.
- Willy M. Samson,SJ
(Sa Paglaki Ko)
No comments:
Post a Comment